Mga Paboritong Pagkain ng mga Pilipino

Pag usapang kainan, bida ang Pilipinas dyan!

Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi nagpapahuli ang mga Pilipino pagdating sa usapang kainan. Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa pagkain at pagtuklas ng masasarap na putahe na kabilang sa ating kultura. Iba't-ibang dayuhan sa ating bansa ay nanakop, bagong uri ng putahe ang nasusubukan at natutuklasan ng bawat mamamayang Pilipino. Isa ang bansang Espanya sa mga dayuhang nanakop sa ating bansa at malaki ang naambag ng mga Espanyol sa ating kultura. Iba't-ibang uri ng pagkain at sangkap ang ating natutunan sa kanila. Isang halimbawa nito ay ang putaheng "Tinola."

Kasama sa kultura ng Pilipinas ang pagkain, kilala ang Pilipinas ngayon dahil sa iba't ibang paraan ng ating pagluluto. Ang lutuing Pilipino ay pinagsama-samang lutuin ng mga iba't ibang pangkat etniko ng Pilipinas, ito rin ay naimpluwensyahan ng mga Asyano, Europeo, Mehikano at mga Amerikano. Ilan lang sa mga ito ang mga paboritong pagkain ng mga Pilipino ngayon.

Ngunit sa kabila noon ay hindi parin naalis ang pagtangkilik natin sa masasarap at walang katulad na pagkaing Pinoy. Ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong paniniwala na ang pagsasalo-salo ng bawat pamilya sa pagkain ay nakakapagdulot ng higit na saya. Kung kaya't karaniwan na isinasagawa ang pagsasalo-salo tuwing may selebrasyon gaya ng pista, kaarawan at marami pang iba. Ito ay ang kultura ng bawat Pilipino na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na ginagawa at hindi naluluma


1) Adobo

Ang adobo ay itinuturing na pambansang ulam sa Pilipinas. Ito ay pinakuluang karne ng manok na niluto sa toyo, bawang, suka, buong paminta at dahon ng laurel.

Mga Kailangan: 

1 kilo ng manok
1 tasa ng suka
1 ulo ng bawang na pinitpit o hiniwa ng pino
3 piraso ng dahon na laurel 
1/2 tasa ng toyo 
1 pamintang buo
3 kutsara ng mantika

Paraan sa pagluluto:

Sa isang kawali, iprito ng katamtaman ang isang kilo ng manok. 
Isama ang suka, toyo, bawang, dahon ng laurel, paminta at tubig.
Hayaang walang takip
Hayaang kumulo hanggang maluto ng husto ang manok.
Kung matutuyuan, dagdagan ng kaunting tubig.
Kapag naluto, ihain ng mainit.




2) Sisig


Ang sisig ay gawa sa bahaging ulo ng baboy at ang mga laman nito, maaring palasahan ito ng kalamansi at/o sili. Ito ay kilala bilang madalas na gawing pulutan ng mga Pilipino kasabay ng beer.

Mga Kailangan:

500g na Liempo na may balat at walang buto
1 piraso ng pork cube seasoning
2 ulo ng sibuyas
2 piraso ng green sili
1/2 kutsarita ng asin
3 kutsara ng mayonnaise
2 kutsra ng oyster sauce
2 kutsarita ng lemon

Paraan sa pagluluto:

Ilaga ng buo ang liempo at dagdagan ng 1 piraso ng pork cube seasoning
Kapag kalahating luto na, hanguin at palamigin.
Iprito ng lubog sa mantika hanggang sa lumutong
Hanguin at palamigin, pagkatapos ay hiwain sa maliliit.
Ihalo ito sa tinadtad na sibuyas at sili, dagdagan ng mayonnaise, oyster sauce, asin at lemon.




3) Sinigang



Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na maaring may sangkap na karne, isda, o iba pa. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang maasim na sabaw. Ito ay karaniwang tinitimplahan ng mga maasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas. 


Mga Kailangan:

Sibuyas
Kamatis
Sili na berde
Petchay
Gabi na malagkit
Karne ng baboy
Asin
Sampalok o Sinigang sa sampalok powder
Magic Sarap o iba pang pampalasa na nais mong ilagay

Paraan sa pagluluto:

Ilagay ang karne, sibuyas at gabi sa isang kaserola.
Lagyan ng asin at magic sarap upang kumapit ang lasa nito
Pakuluin ang karne, sibuyas at gabi hanggang sa ito ay lumambot.
Durugin ang gabi para lumapot ang sabaw at ilagay ang kamatis
Ilagay ang petchay at sili na berde.
Lutuin ang petchay at malambot na karne
Maglagay ng sampalok
Tantyahin ang asim ng lasa at ihanda.



4) Tinola



Ang tinola ay isang uri ng pagkaing Pilipino na may sabaw at sahog na laman ng manok, gulay, luya, at hilaw na papaya.

Mga Kailangan:

1 kilo ng manok 
3 kutsara ng mantika
4 kutsarita ng dinikdik na bawang
2 kutsara ng ginayat na luya
1/2 tasa ng tinadtad na sibuyas
2 kutsara ng patis
2 tasa ng hiniwang berdeng papaya o sayote
1/2 tasa ng dahon ng sili

Paraan sa Pagluluto: 

Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, at luya
Idagdag ang manok at patis
Timplahan ayos sa panlasa.
Hayaang kumulo at lumambot ang manok
Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot
Isama ang dahon ng sili


Comments

Post a Comment