Posts

Mga Paboritong Pagkain ng mga Pilipino

Image
Pag usapang kainan, bida ang Pilipinas dyan! Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi nagpapahuli ang mga Pilipino pagdating sa usapang kainan. Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa pagkain at pagtuklas ng masasarap na putahe na kabilang sa ating kultura. Iba't-ibang dayuhan sa ating bansa ay nanakop, bagong uri ng putahe ang nasusubukan at natutuklasan ng bawat mamamayang Pilipino. Isa ang bansang Espanya sa mga dayuhang nanakop sa ating bansa at malaki ang naambag ng mga Espanyol sa ating kultura. Iba't-ibang uri ng pagkain at sangkap ang ating natutunan sa kanila. Isang halimbawa nito ay ang putaheng "Tinola." Kasama sa kultura ng Pilipinas ang pagkain, kilala ang Pilipinas ngayon dahil sa iba't ibang paraan ng ating pagluluto. Ang lutuing Pilipino ay pinagsama-samang lutuin ng mga iba't ibang pangkat etniko ng Pilipinas, ito rin ay naimpluwensyahan ng mga Asyano, Europeo, Mehikano at mga Amerikano. Ilan lang sa mga ito ang mga paboritong pagkain n